Home Ads

Monday, January 20, 2020

Bela Padilla reacts on accusation on celebrities not helping Taal Volcano victims

Bella Padilla reacts on issue on not helping Taal Volcano victims
Bela Padilla: "Magpasalamat po tayo sa mga tao, hindi lang artista, sa lahat ng mga mamamayan na tumutulong na hindi kailangan i-publish, o hindi kailangan i-broadcast.”

Para sa aktres na si Bela Padilla, hindi dapat husgahan ang celebrities o kahit sinumang hindi nagpu-post ng mga larawan tungkol sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal noong January 12.

Mahigit sa kalahating milyong tao mula sa mga probinsiya ng Batangas at Cavite ang apektado ng pagputok ng bulkan.

Karamihan sa kanila ay nakikituloy ngayon sa maraming evacuation centers.

Nabuhay naman ang “bayanihan” spirit ng mga Pilipino dahil sa nasabing trahedya.

Pati mga artista ay kanya-kanyang organisa ng kanilang relief operations para sa mga biktima.

Ang ilan sa kanila ay may mga larawang ibinahagi sa social media, at ang iba naman ay piniling gawing pribado ang kanilang pagtulong.

Ayon kay Bela, maling panuntunan para sa publiko na kapag hindi nagpu-post ay nangangahulugan nang hindi tumulong ang mga artista sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Sabi ng On Vodka, Beers, and Regrets actress, “Ako personally, ha, ang nakikita ko, parang dapat malungkot tayo kung bakit ganun mag-isip bilang bansa.

No comments:

Post a Comment

SoraFilms

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Vestibulum rhoncus vehicula tortor, vel cursus elit. Donec nec nisl felis. Pellentesque ultrices sem sit amet eros interdum, id elementum nisi ermentum.Vestibulum rhoncus vehicula tortor, vel cursus elit. Donec nec nisl felis. Pellentesque ultrices sem sit amet eros interdum, id elementum nisi fermentum.




Contact Us

Name

Email *

Message *